Akalain mo nga naman. February na pala! LOVE month! Pero sa blog post ko na to hindi naman yun ang emphasized. Oo! Busy ako ngayong February! 2nd Sem namin. Inulan ako ng midterms na hindi ko man lang alam ang mga isasagot ko. Anak ng pating! Freshman pa lang ako pero eto at hindi nagseseryoso! Tsk! Maliban sa midterms, napasubo ako sa isang pageant. Can you believe it?? Me, Jenica Louise Cristobal Nicolas, would dare join a beauty contest? Alam ko na naiisip mo: Weh?!? Hindi nga?.. Pero totoo. First time kong gagawin ito. Hindi ko naman ineexpect na manalo ako, kasi honestly, all I'm after is the freebies and the experience. Eh sabi nila may "K" ako eh. Sana nga. Haha! VOLLEYBALL!!! Oo. Kasali din ako sa volleyball. Wala nang magugulat dyan. Alam ng buong bayan na hindi ako isang Dalagang Filipina, kaya carry ko yan. Ang hirap pala pagsabayin! Pageant tapos volleyball training tapos pag-aaral. HELL! Wala na kong lovelife. Kaya ayan, nabawasan ang pinoproblema ko. Yun nga lang malamig ang BALENTAYMS ko. Haha. So the heck with it. All the Single ladies unite! :))
No comments:
Post a Comment