Saturday, January 15, 2011

HAPPY 2011!! :)

Umpisa pa lang ng 2011 andami nang nagyayari. :) Mukhang exciting ang taon na to. SANA.

GOODBYE CAPRICORN! May bagong zodiac sign. Ang cool naman. Hindi na ko Capricorn. Sagittarius na ko. January pa lang nabago na agad. Hindi man lang naenjoy ng Aquarius yung reign nila. :))

POSSIBLY NEW LOVE. (?) Haha. May question mark pa eh. Isa lang kase sigurado ko ngayong taon. Hinding hindi na ko babalik sa sasaktan lang ako. Nauntog na ko sa kanya. Andae kong bukol! :)) Siguro next time na magmamahal ako pipili na ko ng tama.

MIDTERMS. >.<>

IT WEEK AND NIGHT! Syempre after ng hirap sarap diba? Pero since SWITS officer ako, mukang hindi din ako masyadong mageenjoy sa week. Dae lang na gawain nun. :D

BARKADA! Well. Isa sa mga wishes ko nung 18th ko is more friends. Its coming true and I'm ecstatic about it. Yan ang masarap sa pagiging single. Lumalaki ang mundo ko. Ubod na nga ata ng laki eh?

SINGLE ON VALENTINES. Since birth naman. Sana mabago this year. :)

2011 na. Ano kaya mga mangyayari sakin this year? Get ready Jenica! Ay mali. Dapat pala ang 2011 ang maging ready para sakin. >:)

Sunday, November 28, 2010

Alam mo yung makapal ang mukha? IKAW YUN EH. >:(

Marami na kong nagawang mistakes. The worst? IKAW. Kase lahat binigay ko. Lahat nasayang lang. Kase hindi ka marunong magappreciate. Selfish ka. Lahat na lang puro sarili mo lang iniisip mo. Don't give me shit about saying that you loved me. Go to hell for that. Amplastik mo para sabihin yun. Impokrita mo na masyado. Masyado ka kasing magaling. Masyado kang tama. Masyado kang perpekto. Ikaw na. Baka lumagpas ka ng langit ah.

Nananahimik na ko. Lauhtri kami umeepal ka pa. Papansin ka pa sa Facebook. Para kang BAKLA makipag away. Daig mo pa ko. Shut the fuck up na kase. Leche.

Sunday, November 14, 2010

Hindi na ko matututo. :]

Alam ko na yun. Tanggap ko na yun. Yun na hindi na ko makakapansin ng iba. Dahil lang sa SA'YO. Isang malaking F*CK. Nabuhay naman ako ng 17 years na wala ka eh. Tapos ngayon pakiramdam ko parang hindi ko na kayang mabuhay na wala ka. Eh sino ka ba? Isa ka lang namang tao na nakilala ko, nakasama ko, minahal ko at hindi ko na makalimutan. Isang taong may topak. Laging may TOPAK. Isang taong bugok na dapat kong intindihin lage. Bakit nga ba kita iniintindi? Kung tutuusin nga, sumosobra ka na. Natuwa ka naman masyado. Pero ako naman si OK. Tss.

Oh ngayon. Walang tayo. Umaasa ako. Naghihntay ka sa tamang oras natin. Ganun din ako. Muka tayong tanga pareho. Pero alam mo kung ano yung masakit dun? Pwede naman na hindi kita antayin. Pwede akong magkaron ng iba. Kaso hindi ko magawa. Isa pang masakit dun? TAKEN FOR GRANTED AKO. Sht. Ang imba mo. Sobra. Pero kahit ganyan ka, MAHAL NA MAHAL pa din kita. Sana marealize mo yun. Alam kong mahal na mahal mo sin ako. Isip bata ka nga lang talaga. Tss. Maghihintay ako. Promise ko yan. Hangga't kaya ko.


I LOVE YOU SO MUCH RALLEN REYES ESTRELLA KO. Mamatay na umepal. :D

Thursday, September 23, 2010

IT.. Ayokong sumuko sayo! Kaya sumuko ka na sakin.. PLEASE? :))

Info Tech Student ako. Magulat ka watebor. :)) Magkekwento lang ako sa hirap na dinadanas ko sa pagiging IT.

PROGRAMMING. Sht. :)) Haha. Ang hirap kasi. Nakakahilo talaga yung coding. Masaya lang pag interface na yung dinedesign ko.

COMMAND PROMPT. Uyy. Nakinig ako dyan! May alam ako dyan! Kaso epal sila ERRORS! Sinusugod ako!

DATABASE. Oy.. May alam din ako dyan! Naglecture ako. AT! Si Mam Ahyz ang prof dyan. Galing nun eh. :)

Isama mo pa si Discrete Math at Accounting na pinahihirap ang buhay kolehiyo ko. Mahina talaga ako sa MATH eh. Mali ata ako ng pinasukang linya. Pero carry ko pa!

Ayan. Nagtitino na kasi ako. Kaya may naiintindihan ako sa lessons ngayon. Pero. Hindi ko pa din inaasahan na I'm on the top of the world dahil dyan. Mahirap pasukuin si IT. Madami syang laban sakin. Sana sumuko na sya. Para makagraduate ako. :)

Tuesday, September 21, 2010

Yow! I'm back! Nagiging masigasig akong bumawi sa blog ko eh. :))

Wala naman akong gustong sabihin eh. Wala pa akong makwento ulit. Pero gusto ko lang naman ipaalam sa lahat na
MAHAL NA MAHAL KO SI RALLEN REYES ESTRELLA! :*


Yun lang. ;)

Saturday, September 18, 2010

Damn. May blog nga pala ako!

WOW. Yun ang una kong nasabi ng naopen ko pa ang blog ko na to. I mean, the heck! Buhay pa pala to. Napabayaan ko na kase. Bakit nga ba? UNA: Tinamad kase ako. Natural na ata sakin ang maging tamad kaya hindi na nakakagulat yun. PANGALAWA: Matinding kalaban ng blogging ko si Facebook. Buti pa si FB nabubuksan ko araw araw. Si blog hindi. Kung si Friendster nga natalo ni Facebook, Blogging pa kaya? PANGATLO: Busy ako. OO. Maniwala ka at sa hindi naging busy ako. Lumelevel up ang lola nyo. :) IKAAPAT: May lovelife ako ulit! Sino sya. Si Rallen Estrella pa din na laging drama ko sa lahat ng blogs ko. Kahit kelan yata wala na kong kawala sa lalaking yun. Ginayuma ata ako (Joke lang beb. ILOVEYOU!). AT HULI: Sa dami ng nangyare sakin sa mga nakaraang buwan, baka hindi na magkasya sa blog ko na to. Syempre! Kuntrobersyal ako eh. As always. Minsan naiisip ko, bakit laging issue lahat ng ginagawa ko? Hindi sa pagpifeeling. Napapansin ko naman kase eh. Minsan nga nakakasawa na laging may issue. Hindi na ko pinapatahimik ng mga taong gumagawa ng mga issue sakin. SHT NAMAN! Nakakapagod.

Optimistic daw ako. Yun ang sabi sakin ng aking kaibigan na si May Ocampo. Sa dami daw kase ng problema at iniisip ko, masaya pa din daw ako, tsaka positive ang outlook(namimiss ko uminom sa Outlook ah) ko sa buhay. Pag may nang aaway sakin go lang teh! Tirahin mo ko haggang gusto nyo. Hindi naman ako papatol eh. :D Sakin kase, basta andyan ang mga tunay kong paps, yung mga nageffort talaga para kilalanin yung good side ko at tinatanggap yung bad, masaya na ko. De bale nang konti ang kaibigan basta totoo diba?

Be IN. Be I.T. Yan ang statement sa org shirt naming mga I.T students ngayong taon. PARANG AYOKO NA MAGING IN! Mahirap mag aral ng course na hindi mo gusto. Yan ang natutunan ko. Pero hindi ako susuko kahit pasuko na ang utak ko. Mahirap magshift. Mahirap maging orreg. Hanggat kaya gora lang! Walang mawawala. At sa pagtitino ko ngayong mga huling linggo, pagtyatyagaan ko makahabol sa mga lessons na iniwan ako. :)

"Ayoko na. Hindi ko na sya babalikan!". Kelan ko ba huling sinabi yun? 5 MONTHS AGO. Nung naghiwalay kame at nasaktan na naman ako sa hindi ko mabilang na beses. Ang masasabi ko dun? Para lang pala akong tanga noon. Pinagtutulakan ko yung sarili ko na wala na kong pake sa kanya. Edi ngayon parang kinaen ko lang din yung sinabi ko noon, kase kasama ko sya ngayon sa araw araw na binubuhay ako ni God. Nagpapasalamat ako. Kase kahit ilang beses kaming nasaktan, eto kame, magkasama pa din. Siguro natagpuan ko na yung true love ko. Corny but true, found my match. Kase sya lang nakapagpabago sakin at ako lang din nakapagpabago sa kanya. Kung ano yung mga mali namin noon kaya kami naghiwalay, wala na ngayon. Matagal na yun. Mahigit isang taon. Pero yung love namin sa isa't isa, andito pa din. Going strong 'ika nga. Sana hindi na matapos to. Kase nakatatak na sa utak ko na si Rallen Reyes Estrella ang magiging future ko. :)

New friends. Old love. Different happenings, same reactions. Yan ang mga nakita kong facts sa mga sitwasyong kinasasangkutan ko ngayon. Haaay buhay. Hindi na natahimik. Laging may thrill. Pero kahit ganito buhay ko, nagpapasalamat ako na hindi ako nag iisa, for life is duller when lived alone.

Monday, February 8, 2010

Mga lalaki talaga! Tsk!!

Kaming
mga babae na naman ang nakita. Lalake, agrabyado. Lalake, kinakawawa.
Lalake, hindi maintindihan. Hmmp, parang masyado yatang nagisa ang mga
kabaro ko.

Tungkol sa pagiging patas sa ngalan ng pag-ibig, kami
naman ang laging talo a, hindi kayo. Kami ang laging lugi, kami ang
laging nawawalan at iniiwan.

Kapag ngumiti ka na ng konti,
nag-ayos ng konti pagkakamalan ka nang malandi. Hindi pangseryosohang
relasyon. Marinig lang nila na malakas kang magsalita, palengkera ka
na. T.O. kagad sa kanila iyon. Mahilig silang tumingin sa mga babaeng
sexy manamit, kulang nalang makita na kaluluwa. Pero kapag babaeng
seryosohin at gustong ligawan dapat disente, dapat mala-anghel ang
mukha, dapat mukhang inosente. Tapos kami pa raw ang mahilig mamili?
Parang baliktad yata?

Ok, ayan nanliligaw na si lalake. Dapat
pakipot ka para suyuin ka, para habulin ka pa lalo. Kapag hindi ka
naman nagpakipot “easy to get” naman ang tingin sa iyo. Hindi ka na
seseryosohin. Sino bang may sabing magpaalila kayo, di naman namin
hawak ang buhay niyo. Natural lang na magtiis kayo, may gusto kayo sa
amin eh. Kapag nakuha niyo na iyon wala na lahat ng mga paghihirap
niyo, babaliktad na ang sitwasyon kami naman ang mamromroblema. Para
lang kayong may gustong bilhin na bagay. Upang mabili ito kailangan
munang magsakripisyo, magtipid, magtiis. Pag nabili na at napagsawaan
wala na, balewala na. Diyan ka na sa tabi-tabi. Tawagan nalang kita pag
trip ko o kaya’y pag may gusto akong ipagawa sa iyo.

Ano pa ba?
E di sinagot mo na diba. Utang naloob pa natin yun. Dahil naghirap daw
sila sa panliligaw dapat masuklian natin iyon ng higit pa. Sa umpisa
kailangan malambing ka, maayos at laging magsisilbi sa kanya. Ayaw daw
nilang humawak ng relasyon, pero kapag ikaw naman ang nagmando, aba,
masasakal naman. Sasabihin pa sa iyo “demanding” ka. Meron ka pang
maririnig na “I think we need space” at kung anu-ano pang ek-ek. Sino
rin may sabing di dapat kami magpakabait, maging devoted at faithful?
Kapag kami ang sumaway niyang mga iyan, iba na ang tingin sa amin.
Malandi na kami, haliparot, pakawala, makikay at kung anu-ano pang mga
bansag ang itatawag sa amin. Kapag kayo gumawa noon, ok lang. Lalake
kayo eh, macho kayo pag ginawa niyo iyon. Kaya kami. Walang magawa.
Magpapakaburo at magpapakamadre nalang. Kapag nagloko na kayo ano pa
bang magagawa namin? Eh di iiyak nalang. Wala namang ibang magagawa eh.

Tungkol
naman sa tinatawag niyong pagdedemand namin. Hindi kami nagdedemand!
Karapatan lang namin iyon. Karapatan namin na lambingin niyo kami,
icheck at ipakita sa amin na mahal niyo kami.

Hindi rin ibig
sabihin na mas sincere kayo sa amin. Seryoso rin naman kami ah. At ang
maturity wala yan sa edad. Mas maaga nga kaming magmature sa inyo. Ang
isang 19 year old na lalake eh, isip 15 pa yun. It follows iyan sa
lahat ng age group. Mas mataas pa nga kung minsan ang pagbawas ng level
of maturity. Kayo na ang mag-math. Pati yung pag-iyak namin
pinupuntirya niyo. Kesyo drama daw. Diba kapag umiyak ka nagbuhos ka ng
emosyon diyan. Ano tingin niyo sa amin mga artista?!

Alam niyo
iyon? Yun bang kulang nalang ay lumuha ka na ng dugo, pero hindi ka pa
rin papansinin. Sasabihan ka pang tigilan na ang pagdradrama. Hindi
nila kami maintindihan kapag nagseselos kami. Bakit naman kami
magseselos kung wala kaming nakikita? Mas iba kaming magmahal. Mas
masarap.

Kapag natapos na ang lambingan, eh di siyempre iwanan
blues na. Kami pa raw ang nagsawa, kami pa raw ang nagtritrip lang.
Sino ba ang lumalayas kapag may nakita nang bago, sino ba ang mayabang,
sino ba ang nagmamalaki? Kami ba? Kami ang walang choice. Kasi ang
babae pag sinabing “break na tayo” lambingin lang iyan ng konti balikan
blues na iyan.

Kapag ang lalake ang umayaw, pucha, bahala ka
diyan. Kahit mag-tambling ka pa sa harap niya. Wa-epek. Umiyak ka ng
bato. Wa-epek. Tsk, tsk, tsk. Tapos sila pa raw ang kawawa.

Post-break
up, mahal pa ng babae si lalaki. Sasamantalahin ni lalaki. Magpapagawa
ng kung anu-ano. Naaalala ka lang kapag may kailangan sa iyo. Kapag
pumangit ka after the break up, magpapasalamat sila na iniwan ka nila.
Kapag gumanda ka naman, ipagkakalat nila sa buong sangkatauhan na
naging girlfriend ka niya. Sala sa init sala sa lamig talaga.

Ano
ba namang buhay to? Ang hirap ding maging babae ano. Kala nila laging
sila nalang. Lagi rin kaming naiiwan sa ere. In-love din kami.