Info Tech Student ako. Magulat ka watebor. :)) Magkekwento lang ako sa hirap na dinadanas ko sa pagiging IT.
PROGRAMMING. Sht. :)) Haha. Ang hirap kasi. Nakakahilo talaga yung coding. Masaya lang pag interface na yung dinedesign ko.
COMMAND PROMPT. Uyy. Nakinig ako dyan! May alam ako dyan! Kaso epal sila ERRORS! Sinusugod ako!
DATABASE. Oy.. May alam din ako dyan! Naglecture ako. AT! Si Mam Ahyz ang prof dyan. Galing nun eh. :)
Isama mo pa si Discrete Math at Accounting na pinahihirap ang buhay kolehiyo ko. Mahina talaga ako sa MATH eh. Mali ata ako ng pinasukang linya. Pero carry ko pa!
Ayan. Nagtitino na kasi ako. Kaya may naiintindihan ako sa lessons ngayon. Pero. Hindi ko pa din inaasahan na I'm on the top of the world dahil dyan. Mahirap pasukuin si IT. Madami syang laban sakin. Sana sumuko na sya. Para makagraduate ako. :)
Thursday, September 23, 2010
Tuesday, September 21, 2010
Saturday, September 18, 2010
Damn. May blog nga pala ako!
WOW. Yun ang una kong nasabi ng naopen ko pa ang blog ko na to. I mean, the heck! Buhay pa pala to. Napabayaan ko na kase. Bakit nga ba? UNA: Tinamad kase ako. Natural na ata sakin ang maging tamad kaya hindi na nakakagulat yun. PANGALAWA: Matinding kalaban ng blogging ko si Facebook. Buti pa si FB nabubuksan ko araw araw. Si blog hindi. Kung si Friendster nga natalo ni Facebook, Blogging pa kaya? PANGATLO: Busy ako. OO. Maniwala ka at sa hindi naging busy ako. Lumelevel up ang lola nyo. :) IKAAPAT: May lovelife ako ulit! Sino sya. Si Rallen Estrella pa din na laging drama ko sa lahat ng blogs ko. Kahit kelan yata wala na kong kawala sa lalaking yun. Ginayuma ata ako (Joke lang beb. ILOVEYOU!). AT HULI: Sa dami ng nangyare sakin sa mga nakaraang buwan, baka hindi na magkasya sa blog ko na to. Syempre! Kuntrobersyal ako eh. As always. Minsan naiisip ko, bakit laging issue lahat ng ginagawa ko? Hindi sa pagpifeeling. Napapansin ko naman kase eh. Minsan nga nakakasawa na laging may issue. Hindi na ko pinapatahimik ng mga taong gumagawa ng mga issue sakin. SHT NAMAN! Nakakapagod.
Optimistic daw ako. Yun ang sabi sakin ng aking kaibigan na si May Ocampo. Sa dami daw kase ng problema at iniisip ko, masaya pa din daw ako, tsaka positive ang outlook(namimiss ko uminom sa Outlook ah) ko sa buhay. Pag may nang aaway sakin go lang teh! Tirahin mo ko haggang gusto nyo. Hindi naman ako papatol eh. :D Sakin kase, basta andyan ang mga tunay kong paps, yung mga nageffort talaga para kilalanin yung good side ko at tinatanggap yung bad, masaya na ko. De bale nang konti ang kaibigan basta totoo diba?
Be IN. Be I.T. Yan ang statement sa org shirt naming mga I.T students ngayong taon. PARANG AYOKO NA MAGING IN! Mahirap mag aral ng course na hindi mo gusto. Yan ang natutunan ko. Pero hindi ako susuko kahit pasuko na ang utak ko. Mahirap magshift. Mahirap maging orreg. Hanggat kaya gora lang! Walang mawawala. At sa pagtitino ko ngayong mga huling linggo, pagtyatyagaan ko makahabol sa mga lessons na iniwan ako. :)
"Ayoko na. Hindi ko na sya babalikan!". Kelan ko ba huling sinabi yun? 5 MONTHS AGO. Nung naghiwalay kame at nasaktan na naman ako sa hindi ko mabilang na beses. Ang masasabi ko dun? Para lang pala akong tanga noon. Pinagtutulakan ko yung sarili ko na wala na kong pake sa kanya. Edi ngayon parang kinaen ko lang din yung sinabi ko noon, kase kasama ko sya ngayon sa araw araw na binubuhay ako ni God. Nagpapasalamat ako. Kase kahit ilang beses kaming nasaktan, eto kame, magkasama pa din. Siguro natagpuan ko na yung true love ko. Corny but true, found my match. Kase sya lang nakapagpabago sakin at ako lang din nakapagpabago sa kanya. Kung ano yung mga mali namin noon kaya kami naghiwalay, wala na ngayon. Matagal na yun. Mahigit isang taon. Pero yung love namin sa isa't isa, andito pa din. Going strong 'ika nga. Sana hindi na matapos to. Kase nakatatak na sa utak ko na si Rallen Reyes Estrella ang magiging future ko. :)
New friends. Old love. Different happenings, same reactions. Yan ang mga nakita kong facts sa mga sitwasyong kinasasangkutan ko ngayon. Haaay buhay. Hindi na natahimik. Laging may thrill. Pero kahit ganito buhay ko, nagpapasalamat ako na hindi ako nag iisa, for life is duller when lived alone.
Subscribe to:
Comments (Atom)